ilang oras na lamang magpapasko na, kung kaya naman, ilang mumunting mensahe sa mga PINAKA-IMPORTANTENG tao sa buhay ko ngayon.
sa pamilya ko:
mahal na mahal ko po kayo. masaya ako na kapiling ko na kayong muli matapos ang matagal na panahong pagkawalay. hindi ako nakakauwi dahil sa dami ng ginagawa at ngayon, kahit dalawang linggo lamang ang inilaan sa akin, susulitin ko ang bawat segundo na kasama ko kayo. =)
sa block m/m1:
masaya ako sa naging pagbabago ng relasyon ko sa bawat isa sa inyo. masasabi kong higit akong naging malapit sa mga tao. nagpapasalamat ako sa isang masayang unang bahagi ng ikalawang semestre. sana higit pa tayong magsama sama. nais ko pang makilala ang bawat isa sa inyo =)
sa AJA family ko:
una muna, nais kong humingi ng tawad sa aking madalang na pagpapakita sa inyo. nataon na ang lunes na araw ng pageensayo ay natapat sa "lab" kung kaya naman isa o dalawang araw lamang sa isang linggo ko kayo nakakapiling. at kung araw naman ng sabado, kadalasang may "immersion" para sa "thelogy". at noong "christmas party sa covered courts", hindi na ako nakadaan dahil sa hindi inaasahang "buhol-buhol na traffic at sa long exam sa theology". ang pagkakataon talaga. sadyang mapaglaro. kung kaya naman patawad. "MISS" ko na kayong lahat. sana sa pagdating ng "2008", makabawi ako sa pagkukulang kong oras sa inyo. salamat, dahil kahit hindi ako gaanong nakikita, hindi naman dumating sa puntong "nawala" ako. maraming maraming salamat para roon. mahal ko kayo. =)
sa mga highschool batchmates ko:
"MISS" ko na kayong lahat. maraming taon na ang lumipas, at ikinalulungkot ko na isiping nagkakalayo na tayo ng mundo. marahil ay may kanya kanya na tayong buhay. sadyang mahirap tanggapin ang mga pangyayari ngunit sana magkaroon tayo ng panahon upang muling magtipon-tipon at magsama-sama. sana hindi pa natin nakalilimutan ang mga dating kasiyahang dulot ng ating pagkakaibigan. mahal ko kayo, at sana hindi pa nawawala ang "tayo" sa buhay ng bawat isa sa atin. =)
sa pamilyang GABAY:
masaya ako dahil nabigyan ninyo ako ng pagkakataon na muli kayong makapiling bilang isang organisasyon, at higit pa, bilang isang pamilya. maraming salamat. dahil sa inyo, mas naintindihan ko ang tunay na kahulugan ng pagtataya. mahal ko ang bawat isa sa inyo, at sana'y magpatuloy pa ang magandang pagsasamahan natin bilang mga Gabayano. =)
sa pamilyang ACheS:
nakatutuwang isipin na nakita ko ang isa sa mga dahilan upang mahalin ko ang kursong tinatahak ko ngayon. Ang ACheS ang nagturo sa aking makita na "there's more to Chemistry that meets the eye". maraming salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na makilala ang bawat isa sa inyo. maraming taon pa ang pagsasamahan natin. mahal ko kayo at maraming maraming salamat. =)
MALIGAYANG PASKO INYONG LAHAT!
No comments:
Post a Comment