Saturday, May 24, 2008

nang bumalik ang nakaraan ko.

naaalala ko pa noon, nung mapanood ko ang lion king, naaalala ko yung sinabi ni timon at pumba kay simba nung naisipan niyang takbuhan ang katotohanan,- "you gotta put your past behind you."..naisip ko, tama lang siguro yun, pero paano kapag binabalik balikan ka ng nakaraan mo, yun bang "history repeats itself..."

napag-isip-isip lamang ako kagabi,sa aking pagiisa sa dorm, sa gitna ng kinasanayan kong katahimikan sa mga nakaraang araw kahit na hindi ako nag-iisa dun. matapos ang pagkain ng sandamakmak na fries at coke float mula sa mcdo na kinahiligan naming kainin ng mga dormmates ko noon, napagtanto ko na marahil ginugulo ako ng nakaraan ko dahil sa simula't simula pa lamang, hindi naman nawala ito.

paano mawawala ang nakaraan kung sa katotohanan, ikaw naman ang nakaraan at kasalukuyan? uuyy dumugo ilong mo noh? haha. hindi mo ba nagets? haha. wala, kinailangan lang siguro na ipamukha sa akin ng ibang tao, ng katahimikan, ng coke float, ng fries, ng pag-iisa, at ng isang txt message para marealize ko na ganon nga talaga yun.

siguro hindi mo maintindihan noh? kasi hindi mo naman alam kung ano ang tinutukoy kong nakaraan at kasalukuyan. ok lang yun. napagisip isip ko rin na walang sense magpaliwanag, lalo na kung ang nakakaintindi lamang sayo eh ang sarili mo. and besides, ako nga ang nakaraan at kasalukuyan, so paano mo maiintindihan, eh AKO nga yun. mahirap din kasi ipaliwanag nalang nang ipaliwanag ang sarili ko. nakakaubos laway din yun noh.

marami akong naisip kagabi, habang nanonood ng "boy-girl thing". ang storya nung palabas, dalawang tao ang parating away nang away. minuminuto, oras-oras, parati nalang silang magkaaway. yung isa sobrang walang pakialam sa sinasabi ng ibang tao sa kanya dahil ang mahalaga sa kanya ay ang sarili niyang mga prinsipyo at ang kanyang kaalaman, yung isa naman, stubborn at alaskador na lalakeng walang ginawa kundi inisin yung babaeng kaaway niya. nakakatawa yung palabas. nagkapalit ng katawan at siyempre buhay ang dalawang magkaaway na ito. kumbaga, nagkaroon sila ng perspective sa buhay ng bawat isa, na nagdulot ng pagkakaintindihan sa kahulihulihan. in fairness, nakatulong din yun noh, isang panandaliang ingay sa gitna ng katahimikan sa apat na sulok ng malaking kuwarto sa dorm namin.

at ang nakuha ko mula sa pelikulang ito: mahalaga ang perspective.

naisip ko,na sa maraming bagay sa buhay natin, kung bakit nagkakaroon ng katahimikan at kaayusan, kinakailangan bukas ang isip mo sa perspective ng bawat isa. kasi akala mo nauunawaan mo na pala ang mga bagay-bagay dahil sa perspective na nakikita mo, tapos gugulatin ka nalang ng katotohanan na mali pala ang pagkakaintindi mo. halimbawa sa pagtanggap, nakikita lamang siya depende kung ano yung perspective mo sa mga bagay-bagay. minsan, akala mo tinatanggap mo ang isang tao o bagay sa buhay mo, tapos magugulat ka nalang, hindi pala yun ang kaso sa paningin ng ibang tao. kala mo tinatanggap mo ang ibang tao ng buong buo, tapos hindi pala iyon ang iniisip ng tinatanggap mo. o isa pang halimbawa, sa pagkakaibigan, akala mo binigay mo na ang lahat, ang sarili mo nang buong buo, tapos magugulat ka nalang, kulang pa pala ang binibigay mo, dahil sa paningin ng ibang tao kulang pa pala. o sa pagintindi, akala mo naiintindihan mo, pero magugulat ka nalang din, hindi rin pala, iba rin ang pagkakaintindi ng iba.

buti nalang napanood ko yung pelikulang yun, kasi kung hindi, hindi ko siguro maiintindihan ang ibig sabihin nito.

naisip ko, hindi sapat na tignan ko ang sarili ko o tignan ko lamang ang ibang tao. kailangan, pareho ko silang tignan. kundi parati nalang magulo. akala ko dati, open minded ako, ngayon narealize ko, na sa tinagal tagal ng panahon, naging close minded din ako.

ngayon din, naisip ko, na kailangan ng konting dagok sa ulo, kahit masakit, para matanggap mo ang mali mo. mahirap humingi ng tawad, pero kung nararapat lamang, PATAWAD.

sa ngayon, gusto kong iwan ang nakaraan ko, at BAGUHIN ANG KASALUKUYAN.

---

sa iyo, sana alam mong hindi ako bumitaw. hindi ko kaya.

No comments: