oops. ngayon ko lamang napansin na super tagal na rin pala since nung last akong magpost sa blog ko. may 6 to may 18. hehe. antagal na rin. well. tinamad siguro ako. (trying to be honest here!!) or medyo nawalan ako ng budget for internet at oras na rin. hai. nako. hindi ko na tuloy naikuwento ang mga closure ko with people.
well.
eto na, ikukuwento ko na. super informal nitong kuwento kong ito.
hm. well. yung closure issue na fininalize ko nung april 10 2007 (ang tagal na talaga!), was about yung issue namin nung bestfriend kong lalaki noong highschool. well medyo nagkalabuan kami, imagine bestfriend ko siya for four years (since first year hanggang fourth year highschool), pero nung grumaduate kami at may sinabi ako sa kanyang hindi dapat sabihin ("mahal kita" haha.), nagkaiwasan kami for one whole year. bale buong first year college eh hindi kami nagusap or walang kahit anong form of communication from both of us. eh, napagisip isip ko lamang, na parang ang sayang ng apat na taon, at ang pagkakaibigan namin kung hindi ko gagawan ng paraan. narealize ko rin na i shouldn't have fallen for him in the first place, it was my fault, it time na mag move on na kami pareho sa problemang iyon. at narealize ko rin na wala na talaga, kaya parang hindi worth it na ma sacrifice ang friendship namin. kaya ayun, finally tinawagan ko na siya.
yung tawag na iyon eh long distance pa, tumawag ako from laguna. hehe. well. namiss ko kasi ang bez ko. as in yung kaibigan ko, hindi yung something more. narealize ko na higit na masarap ang feeling na mahal mo ang kaibigan mo bilang isang kaibigan lamang. kaya ayun. nagusap kami, nagkamustahan, at tinawanan ang nakaraan. hehe. hai. parang napaka normal na, yung tipong nung dati pa, na wala talagang ibang inaalala kundi ang pagkakaibigan. ang saya pala talaga, walang expectations sa bawat isa, walang madidisappoint. at mayroong pagkakaintindihan mula sa bawat isa.
kaya ayun, masaya naman ako sa kinalabasan nung closure namin. at masasabi ko na nag start-over na lamang kami, parang 5 years ago lamang ulit, kagaya nga nung first year high school pa lamang kami, only more mature. hehe. well. ang masasabi ko lamang, salamat bez, dahil binigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para maipakita ko sa iyong kaibigan mo talaga ako. sana tuloy tuloy na ito. hehe. (as if mababasa mo ito, pero malay natin di ba? hehe.)
ayun.
:)
No comments:
Post a Comment