hm. napakalaki ng nagagawa ng isang hindi sinasadyang akbay at yakap sa pagtingin ng isang tao sa isang kaibigan. akala ko nung una, wala lamang iyon para sa akin, iyon pala'y mayroon.
nakakainis ang impulse noh? i mean, kapag may sudden jolt of action galing sa iyo na hindi mo aakalaing gagawin mo, yung tipong out of your character talaga. ang masaklap pa dun, you'll end up wondering kung bakit mo ginawa iyon at iisipin mong baka subconciously, yun talaga yung nais mong mangyari. hai, gaya nga ng yakap na iyon.
hai.
nakakainis nga rin pala ang chem. major ko siya, and yet, natatakot ako sa kanya. super nagdadala ng stress. hai. Lord, sana ma exempt ako.
nakakainis din ang play, ang daming kakabisaduhin. ok fine, gusto ko yung idea na aarte ako, pero hindi ko naman akalain na ganon ka raming lines ang kailangan kong kabisaduhin. hehe. well, goodluck na lamang sa play na iyon! hehe. (sino kayang manonood? hehe.)
hm, naeexcite na akong mag june 23! HEHE.
hai, gusto ko nang matapos ang summer classes, para makauwi na ako sa bahay namin at makapag aral na rin akong mag drive (as in yung formal driving lessons sa A1) hehe. wala lng, gusto ko talagang magmaneho eh, kahit wala kaming kotse, haha. anlabo.
hai. gusto ko na rin ng lablyp, panawagan sa mga artista diyan!! hehe jowks lng. pero i really miss the feeling na kinikilig ka. heheh. labo talaga.
gusto ko ng ice cream at cake ngayon! haha. ewan ko ba, ilang araw na akong nagccrave. grabe, now you know kung bakit ako ganito ka laki. hehe.
hm. well, ang saya mag judo at magweights. wala lang. mga perks ng varsity. hai. kaso nahihiya nga ako sa team eh, dahil madalas akong absent. kakainis naman kasi at laging late natatapos ang lab. or kung kailan naman ako puwedeng magpractice, ayaw naman ng katawan ko, either may masakit sa leeg or braso or sa kung saan man, or may unexpected na mangyayari. hai. gusto kong magwork hard para sa team, gusto kong masabi sa sarili ko na i really am part of it. pero sa mga nakikita ko ng nangyayari ngayon, parang hindi pa rin. gusto kong makabond ang team. hai. wala nga lang oras.
hai oras. sana hawak ko na lamang ang oras sa aking mga kamay. haii..
grabe. mashado na bang mahaba itong post na ito? hehe. grabe. super daloy ng kamalayan na naman ulit. para naman at least you can get an idea of what goes on in my head right now.. hehe.
incoherent grabe.
No comments:
Post a Comment