Tuesday, December 04, 2007

random kung random.

hm, some "random" rants.

--
nagpapanggap ako.

nagpapakabulag kahit nakakakita.

nagpapakabingi kahit nakaririnig.

nagpapakasaya kahit malungkot.

nagpapakamanhid kahit nasasaktan.

--

malapit na ang pasko! well. sabik na sabik lang talaga ako. nagsimula na kasi ang caroling season, so puro practice na kami. eventhough it takes up a whole lot of my time, the stress and fatigue that may be felt every after practice night would always be overwhelmed by the personal joy of "service for and with others". wala lang. atenista by heart. (naks, pero proud to be talaga ako.) maybe i might consider a job as a social worker (ayan magsama tayo madam sa future occupation natin!). hehe.

mahilig lang din siguro akong umawit. masaya kasi ang feeling na nakukuha ang mga nota ng tama. masaya rin ang feeling na kasama ko ang mga kapwa gabayano (a.k.a. mga kaibigan ko). bonding moment din kasi iyon, at isang pagkakataon para makasama at makilala ang mga tao.

--

namiss ko ang judo at ang mga teammates and coaches ko. sobrang na"hook" kasi ako sa sport, at masaya ako sa piling ng aking mga teammates at coaches ko. makatotohanan (yes this is for you mich! hehe. i know you're laughing!)na marami talaga akong natutunan mula sa kanila (kahit hindi siguro obvious dahil tahimik "daw" ako. hehe. at hindi lang siguro ako ganon ka expressive sa ilang mga bagay), pero i owe a lot to these people. at marami pang panahon para matuto. wala lang. salamat.

--

nagsisimula na ang mga stressors sa buhay ko: well, may acads, maraming ginagawa sa extra-co, tapos mga problema sa social life at LOVE life, mga ilang problema sa pamilya, at siyempre ang personal na kabaliwan ko na rin. hai. ang hirap i handle. namiss ko na tuloy si bestfriend ko, yung transcendental holy mystery ng buhay ko (may hang-over pa ako sa theo. hehe. galing kasi ni jimenez eh.ang daming insights actually. pero na-feel ko na may grudge siya sa sciences at sa mga atheists. hehe.). naku, sana makapag usap na kami ulit ni Bestfriend. kahit na hindi ko Siya naririnig na sumasagot, mahalag na alam kong pinakikinggan Niya ako. sumasagot nga Siya pero hindi nga lang verbal ang kanyang medium. hai. miss ko na talaga Siya.

--

marami akong namimiss na tao. ewan ko ba. nadarama ko na ang layo na ng ilang taong pinahahalagahan ko. kala ko nandyan pa sila, kaso paglingon ko, wala na pala sila. hai. ang hirap din pala na naging mashadong attached noh? hindi naman sa nagreregret ako. nabigla lang ako. well, siguro nga meron kaunti, pero acceptance is the key.

--

mahirap pala magsakripisyo ng mga "bagay" na pinahahalagahan mo ng sobra-sobra. narealize ko siya ngayon.

--

inaantok na ako. kailangan kong matulog. ang aking eyebags! eye"MALETA" na! (hahaha, tawa ka naman sa joke ko! hehe.)

--

nagpapasalamat ako sa iyo. wala lang. natuwa ako. close na talaga tayo. :)

--

i feel that i've violated your trust. wala lng. ang sama ko. hai. sorry. pinilit kong itago. kaso, ang hirap pala. mashado siyang "a priori" (nyai, theo term na naman!!!).

--

hai. mahal ata kita. alam mo ba yun?

--

...

No comments: