minsan talaga, mayroong point sa buhay mo na kinakailangan mong pumili at magdesisyon tungkol sa mga importanteng bagay.
sa akin siguro, maaari kong sabihing "crucial" ang mga pagkakataong ito sa buhay ko.
eto yung mga panahong inaasahan ko ang mga taong mahahalaga sa akin para tulungan akong makapagdesisyon. yun bang tipong makatutulong silang makapag-isip ako. pero siyempre hindi sila "biased" dun sa tingin nilang dapat kong gawin.
hai. eto siguro yung isa sa mga "point" na iyon sa buhay ko.
masaya ako, dahil nalaman kong may mga tao palang naniniwala sa mga kakayahan ko. pero nakalulungkot din namang isipin na mayroon rin palang hindi naniniwala. mayroon din palang "nagdodoubt".
alam ko, ako lamang ang nakakikilala ng lubos sa sarili ko, at alam ko na ako lamang ang tunay na makapagsasabing kaya ko. sa katotohanan, alam ko talaga. subalit, kapag nalaman mong may hindi naniniwala sa iyo, na may mapapabayaan ka kapag pinili mo ang isa sa isa, parang nakakapanghina ng loob.
nalaman ko rin pala sa "point" na ito sa buhay ko, na minsan kailangan mong pumili sa pagitan ng kung ano yung gusto mo, at kung ano yung tama at higit na nakabubuting gawin. kahit na alam mong gusto mo at mapaninindigan mo ang desisyon mo, kapag naisip mo na taliwas ito sa ikabubuti at walang kasiguraduhan sa hinaharap (riskful, kumbaga),kailangan mong isakiripisyo yung gusto mo. masakit. masakit sobra. masakit talaga (naramdaman mo bang masakit?..). kahit na ba ilang beses mo ng naririnig sa sarili mo na "kaya mo naman! kaya mo!", kapag dumating sa punto na walang kasiguraduhan ang lahat, hindi sapat ang sabihing "kaya mo".
at nalaman ko rin sa "point" na ito ng buhay ko, na kapag nakapagdesisyon ka na, hindi mo na maaari pang bawiin. lalo na kapag kailangan mong "ipasa" yung desisyon mo. lalo na kapag may deadline yung desisyon mo. hindi mo na maaaring bawiin. kung yun na, yun na talaga. hindi na maaaring magbago. sorry ka nalang kung bigla mong naisip na mali pala yung naging desisyon mo. sorry ka nalang kung may biglang magtetext sa iyo na "ah, shit. kaya mo eh.". sorry ka nalang kasi hindi mo na maaaring bawiin yung desisyon mo. hindi na maaari pang baguhin. iiyak ka na lang kasi "narealize" mo na mali pala yung pinili mo. iiyak ka nalang. sa kaso ko, iiyak ng lang ako ng matagal na matagal na panahon.
mali ang naging desisyon ko. sa palagay ko mali. mali talaga. nagpadala kasi ako eh. sana napanindigan ko. sana hindi ako napanghinaan ng loob. sana naniwala ako sa kaya kong gawin. sana naisip ko na baka makabubuti rin iyon kahit "riskful". sana naisip ko rin yung ibang taong naniniwala sa akin. sana naisip ko rin yung sarili ko kahit ngayon lang. sana pinili ko yung gusto ko.
hai. puro nalang naman "sana".
hanggang "sana" nalang.
di bale.
iiyak nalang ako.
No comments:
Post a Comment