Tuesday, June 26, 2007

waaaaah! nagwala na! haha!

ang lamig pala sa library kapag gabi. wala lang. nandito ako ngayon sa ateneo rizal library. nagmumuni muni. actually kanina ko pa gustong mapag isa at mag isip. kaso hindi pala iyon posible.

grabe, ang sakit ng katawan. katatapos lamang ng weights. then diretso sa acad meeting/snackout sa gabay. hm, hindi rin hectic noh? pero hindi naman sa sobrang nagrereklamo ako. choice ko namang umatend sa pareho. pero pagod talaga ako.

ayon. ano pa ba?

well, ang lungkot ko the past few days.

nagsimula ang lahat nung debut ko. hai. dont get me wrong, i like the idea na legal na ako at dumating naman ang mga taong nais kong makita roon, pero siyempre, marami pa ring kulang. basta, ang laki-laki nung kulang. hai. pero salamat pa rin sa aking mga magulang dahil alam kong pinaghirapan nila iyon. hai. pero ewan ko. minsan naiisip ko, sana hindi nalang ako nag-debut. hai.

ano pa ba?...

well, ewan ko. lately nasasaktan ako. most probably dahil sa mga nakikita ko. ayoko na maghintay. umasa pa ako sa wala. haha. ang tanga ko talaga. hai. kakainis naman kasi eh. hai. sinusubukan ko na lamang munang tanggalin ang thought sa sistema ko.

hm.

well wala pa akong matinong tulog. at siyempre, patong patong na gawain. pero well, wala naman akong karapatang magreklamo, dahil gaya nga ng sabi nila, pinili ko naman iyon.

hai.

namimiss ko na nga pala ang mga magulang ko. at ang pamilya ko. happy birthday pala sa tita ko at sa kapatid kong babae. mahal ko kau.

hai.

salamat nga pala sa isang tao diyan na malamang lamang na hindi niya ito mababasa. haha. wala lang. natouch ako ngayong mga nakaraang araw. hai. kung meron man akong dapat ikasaya, eh dahil nandyan ka. at alam naman nating parehong kailangan natin ang bawat isa. hai. ipit nga lang ako sa sitwasyon. pero masayang masaya ako at nagpapasalamat. sana nandito ka ngayon sa library at pinakikinggan ang mga hinaing ko. hai. at alam kong pagod ka rin, pero kakayanin mo iyan. nandito ako. at im sure, makikita mo rin ang hinahanap mo.

hm.

nakakainis, wala akong maisip na topic sa english. kasi naman, wala akong alam sa mga current issues. hai.

excited na akong magtraining ng judo bukas! maglalabas na lamang ako ng sama ng loob.

hai.

in fairness, kailangan ko ng kausap. haha, as in yung seryoso. ewan ko. kumuha na kaya ako ng personal shrink.

or magsisismba na lamang ako?

in fairness, miss ko na si Lord.

ewan ko. mashado kasing busy.

hai. RETREAT! haha. labo.

uy infairness nakakatulong pala itong tina-type ko ngayon. haha. nakagagaan ng loob. pero mas ok sana kung nagsasalita yung screen o kaya naman eh nayayakap ako nung screen. hai. i need a hug. hindi nga lang ata halatang ganung klase ako ng tao. haha.

o ayan, may nagtext. ay, globe lang pala. kala ko may nagmamahal. haha. asa naman. patay ang text life ko.

naku, bigla kong naalala na may test pala kami sa english bukas. haha. wala pa akong alam.

at nakakainis, ang bobo ko sa math at physics. sobra. mamatay na ako. haha.

kumusta naman ang self-esteem ko di ba?.. wala na. zero na. poof.!

haha. anlabo ko talaga.

nararamdaman kong namamanhid na ang kamay ko sa sobrang lamig. (anlabo ata nun. nararamdaman ang namamanhid. WEIRD!)

haha.

kailangan ko na palang ayusin ang mga bagay na gagawin ko.

hehehe.

hindi na ako magkanda ugaga sa kung ano ang uunahin eh.

hehe.

malapit na pala ang long tests. haha.

godbless na lamang sa akin.

shet. ang bobo ko talaga.

ang tanga ko pa.

ahaha. labo talaga.

hai. tama na nga. haha.


*ang labo ng post, pero siguro sobrang nag-make sense na rin. haha. labo. pero may sense. weeeee.. 8) *

hai...

No comments: