Monday, July 16, 2007

rants.

topic sa buhay ko ngayon: ang pagiging selfish.

haha. hindi ko pa maipahiwatig yung nais kong sabihin dito, pero ewan ko ba. haha. ang selfish kasi eh. haha. kulang sa simpatya, kulang sa pagiintindi ng iba, palibhasa, mashadong mahalaga ang sariling kagustuhan.i'll elaborate on this, once na mahanap ko ang tamang mga salita. haha.

----

masakit talaga ang maiwanan. umasa akong hindi ko na mararanasan pa ulit yung mga naranasan ko dati nung hindi pa ganon ka mature yung utak at puso ko, kaso, kapag may nakilala ka palang immature na tao or probably, iba lamang talaga ang pagpapahalaga, gugulo ang mundo mo. (oops, ang foul ko na ata.)

hindi ko ipagkakaila, nasaktan ako. naaalala ko pa dati, sabi mo, hindi mo gagawin sa akin yung pagkakamaling nagawa ng mga kaibigan ko sa akin noon. kaso sa nararamdaman ko ngayon, mukhang nagawa mo na, at parang higit pa ata sa level nila. haha. pero ayos lang. pinapabayaan naman kitang gawin kung ano yung GUSTO MONG GAWIN. ayoko lang marining sa iyo na sinasakal kita at kinokontrol ko ang buhay mo dahil kahit na masakit sa akin, hindi kita pinipigilang PUMILI ng mga taong nais mong makasama. haha. kala ko ang tibay na atin. alam mo yun, akala ko, hindi mo ako makakayanang bitawan ng ganon lang, pero nagkamali pala ako. binitawan mo ako. bale para na lamang akong timang dun na hindi bumibitaw sa iyo. hawak pa rin kita, kasi aaminin ko, mahirap para sa akin, dahil ako kasi, masasabi kong naiintindihan kita. eh sa kung gusto mong magkaroon ng maraming kaibigan eh. haha. kaso nakikita ko na higit na mas mahalaga para sayo ang SILA kaysa sa TAYO. haha. ewan ko ba. kala ko habambuhay na, kala ko hindi na talaga. haha. AKALA ko lang pala.

infairness, salamat ha. kasi sinasaktan mo ako. pero sa sakit na nararamdaman ko, natututo pa rin ako. haha. ayos na sa akin iyon. pero sana may matutunan ka rin sa akin. haha. mananahimik muna ako. lalayo muna ako. tutal iyon naman ata ang dapat kong gawin para magkaayos KAYO. haha. nagpaalam ka pa sa akin, eh alam mo namang masakit. haha. ewan ko ba sa'yo. haha.

PINILI kita. kaso, hindi mo ako PINILI pabalik. haha. pero ayos lang. nandito lang naman ako eh. nakakalat lang ako. siyempr, basura lng naman ako na tinatapon tapon, tapos kapag hinanap mo, madaling makahanap ng basura eh, madaling pulutin, haha. ganun ang role ko. haha. basura ng mga tao. ang basura naman, bago maging basura, useful muna. haha. siguro ganon ako, pag nagamit na, pag nagawa na yung dapat kong gawin, tinatapon na lamang nang basta basta. kaya nga wala akong BESTFRIEND eh. or walang tumatagal sa akin. haha. may diperensya ata ako. haha.

haha. hai. ang bitter ko. ang sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit naman kasing talaga. (nafeel mo bang nasaktan ako?)

haha. wala atang nakakaintindi sa akin. oo wala. hindi naman kasi ako kaintindi intindi eh. kaya nga ako namimisinterpret, kaya ako palaging may kaaway. haha. warfreak daw ako. haha. ayokong maniwala roon. i care. yun yun. kailan pa naging kasalanan ang pag-'CARE'. haha. hai.

----
nakakainis ka pala, pinasok mo pa ang mundo ko. haha. ayan tuloy, yung mundo ko, naging mundo mo na. di bale, sayo na lamang ang mundo ko. tutal, hindi naman ata napansin ng mga tao sa mundo ko na naglaho na pala ako. haha. salamat sayo, inagaw mo na naman ang buhay at kaligayahan ko. di bale, bubuo na lamang ako ng panibagong mundo. kakausapin ko na lamang si god na tulungan akong mag genesis part 2. haha.

----

hai. well. sama ng loob ko. sobra. haha. oh well. sana maintindihan ako ng nagbabasa nito. iyon kasi ang kailangan ko ngayon eh, yung iintindi sa akin.

...

No comments: