Monday, July 09, 2007

pasan

ok, so for the nth time, bothered na naman ako. haha. naaalala ko kanina nakausap ko yung nanay ko regarding sa stress na nararamdaman ko. hai. sabi niya mag relax daw ako kapag nasa dorm ako. ngayon na-realize ko na mahirap palang gawin iyon. lalo pa't kapag minsan ang dorm (or rather yung mga tao dun) yung nagdadala ng stress sa iyo. hindi ko nga maintindihan kung paano nagwowork yun eh. hai, siguro kasi pag stressed yung mga dormmates ko, nasstress na rin ako. eh madalas pa man din silang nasstress. hai. not to mention yung mga panahon din namang stressed din ako sa mga bagay bagay sa paligid ko. hai. ewan ko ba sa sarili ko. marahil kasi nais ko lamang na makatulong sa kanila, dahil mahalaga sila para sa akin. kaya para bang pasan ko ang buong mundo dahil pati yung mundong pasan nila ay pinapasan ko rin. so parang buong universe na siguro yung pasan pasan ko. kamusta naman ang balikat ko di ba?. hai. kasi naman ako, nagpapaka hero nalang lagi. ang gusto ko, in one way or another, may naililigtas ako. may naitutulong ako sa kanila. kaya tuloy ganito yung nangyayari sa akin. hai. kelan kaya darating ang panahon na ako naman ang ililigtas noh? lahat naman siguro ng mga super heroes may mga pagkakataon na kinakailangan rin nila ng mga heroes na magliligtas sa kanila. lahat naman siguro ng heroes may weakness. haha. wala lang, kung baga kay superman, nasaksakan na siguro siya ng kryptonite, at tinitiis niya na lamang siguro ang panghihina hanggang sa marating niya ang katapusan. well, siguro hanggang sa dumating ang magliligtas sa kanya. hai. nakakasawa rin kasi minsan na pasanin ang mundo ng iba. hai. sana may iba ring makatutulong man lamang sa akin na pasanin ang mundo ko. wala lang. ang masaklap pa roon, parang iba yung bigat nang mundo ko. or baka feel ko lamang iyon dahil ako yung may pasan. hay ewan ko ba.

hai.

iligtas niyo ako sa mundong pinapasan ko.

No comments: