Showing posts with label hurt. Show all posts
Showing posts with label hurt. Show all posts

Saturday, July 21, 2007

ayoko nang uminom ng gamot

sa pagbuka ng aking bibig, sa paghulog ng tabletas, sa paginom ng tubig, at sa paglunok, unti unti kong nararamdaman ang pag agos ng tubig kasama ng gamot sa akin lalamunan. kasabay ng pag agos na ito ang panalangin na sana'y pagbigyan ako ng pagkakataon na sana'y gumaling na ako sa karamdamang ito.

mula pa aking pagkabata, tinuruan na ako ng aking mga magulang na uminom ng gamot tuwing magkakasakit ako. ayon sa kanila, ang gamot daw ay makatutulong para gumaling ang sakit. aasahan naman na dahil bata pa nga ako at walang kamuwang muwang sa mundo, susunod ako sa sinasabi ng aking mga magulang, kung kaya naman naniwala ako sa kanila at umiinom ako ng gamot kapag nagkakasakit ako. naisip ko naman noon na gumagaling naman ako kapag umiinom ako ng gamot.

ngayon, matanda na ako (oo, matanda na ang disiotso), napagtanto ko na hindi naman pala nakapagpapagaling ang gamot. sa tuwing lulunok ako ng tabletas, capsule, o kaya naman syrup, higit kong nararamdaman ang sakit ko. hindi ko nararamdamang humuhupa ang sakit, hindi ko nararamdamang gumagaan ang pakiramdam ko. nararamdaman kong kinakain ako ng karamdaman. pakiramdam ko, unti-unting inuubos ng gamot ang lakas ko at ang aking kagustuhang mabuhay sa mundo. pakiramdam ko, hindi nahihilom ng gamot ang sugat na dulot ng sakit ng aking katawan, ng aking kalooban, ng aking kaluluwa.

kaya ngayon, ayoko nang uminom ng gamot.

nagkakasakit lamang ako lalo.

Monday, July 09, 2007

pasan

ok, so for the nth time, bothered na naman ako. haha. naaalala ko kanina nakausap ko yung nanay ko regarding sa stress na nararamdaman ko. hai. sabi niya mag relax daw ako kapag nasa dorm ako. ngayon na-realize ko na mahirap palang gawin iyon. lalo pa't kapag minsan ang dorm (or rather yung mga tao dun) yung nagdadala ng stress sa iyo. hindi ko nga maintindihan kung paano nagwowork yun eh. hai, siguro kasi pag stressed yung mga dormmates ko, nasstress na rin ako. eh madalas pa man din silang nasstress. hai. not to mention yung mga panahon din namang stressed din ako sa mga bagay bagay sa paligid ko. hai. ewan ko ba sa sarili ko. marahil kasi nais ko lamang na makatulong sa kanila, dahil mahalaga sila para sa akin. kaya para bang pasan ko ang buong mundo dahil pati yung mundong pasan nila ay pinapasan ko rin. so parang buong universe na siguro yung pasan pasan ko. kamusta naman ang balikat ko di ba?. hai. kasi naman ako, nagpapaka hero nalang lagi. ang gusto ko, in one way or another, may naililigtas ako. may naitutulong ako sa kanila. kaya tuloy ganito yung nangyayari sa akin. hai. kelan kaya darating ang panahon na ako naman ang ililigtas noh? lahat naman siguro ng mga super heroes may mga pagkakataon na kinakailangan rin nila ng mga heroes na magliligtas sa kanila. lahat naman siguro ng heroes may weakness. haha. wala lang, kung baga kay superman, nasaksakan na siguro siya ng kryptonite, at tinitiis niya na lamang siguro ang panghihina hanggang sa marating niya ang katapusan. well, siguro hanggang sa dumating ang magliligtas sa kanya. hai. nakakasawa rin kasi minsan na pasanin ang mundo ng iba. hai. sana may iba ring makatutulong man lamang sa akin na pasanin ang mundo ko. wala lang. ang masaklap pa roon, parang iba yung bigat nang mundo ko. or baka feel ko lamang iyon dahil ako yung may pasan. hay ewan ko ba.

hai.

iligtas niyo ako sa mundong pinapasan ko.

Wednesday, June 13, 2007

para sa'yo.

kala ko masaya ang araw na ito. may nagsabi pa man din sa akin kanina "you seem happy. good for you." ngayon masasabi ko nang tunay ngang nagkamali ang nagsabi nito.

hai, may nangyari kasi eh. hindi inaasahan. and to think na hindi man lamang ako nakapagpaalam sa iyo. hindi man lamang ako nakapagpasalamat sa lahat ng taon na inalagaan mo kami at prinotektahan mo ang aming pamilya. bakit naman kasi biglaan ka nalamang umalis. wala man lamang pasabi. ayan tuloy, ngayon, pinagsisisihan kong hindi ko sinabi sa iyo ang maraming bagay. ngayon, habang buhay na kitang hindi makakausap, makakasama, makakatawanan, makakaiyakan. hai.

pero masaya na rin ako,dahil alam kong nasa isang payapang lugar ka na, at alam kong diyan, hinding hindi ka na masasaktan. hindi ka na kailanman malulungkot, o luluha. kaya masaya na rin ako,kahit na wala ka na kailanman sa tabi ko. salamat.

mamimiss kita. sobra.