sa pagbuka ng aking bibig, sa paghulog ng tabletas, sa paginom ng tubig, at sa paglunok, unti unti kong nararamdaman ang pag agos ng tubig kasama ng gamot sa akin lalamunan. kasabay ng pag agos na ito ang panalangin na sana'y pagbigyan ako ng pagkakataon na sana'y gumaling na ako sa karamdamang ito.
mula pa aking pagkabata, tinuruan na ako ng aking mga magulang na uminom ng gamot tuwing magkakasakit ako. ayon sa kanila, ang gamot daw ay makatutulong para gumaling ang sakit. aasahan naman na dahil bata pa nga ako at walang kamuwang muwang sa mundo, susunod ako sa sinasabi ng aking mga magulang, kung kaya naman naniwala ako sa kanila at umiinom ako ng gamot kapag nagkakasakit ako. naisip ko naman noon na gumagaling naman ako kapag umiinom ako ng gamot.
ngayon, matanda na ako (oo, matanda na ang disiotso), napagtanto ko na hindi naman pala nakapagpapagaling ang gamot. sa tuwing lulunok ako ng tabletas, capsule, o kaya naman syrup, higit kong nararamdaman ang sakit ko. hindi ko nararamdamang humuhupa ang sakit, hindi ko nararamdamang gumagaan ang pakiramdam ko. nararamdaman kong kinakain ako ng karamdaman. pakiramdam ko, unti-unting inuubos ng gamot ang lakas ko at ang aking kagustuhang mabuhay sa mundo. pakiramdam ko, hindi nahihilom ng gamot ang sugat na dulot ng sakit ng aking katawan, ng aking kalooban, ng aking kaluluwa.
kaya ngayon, ayoko nang uminom ng gamot.
nagkakasakit lamang ako lalo.
No comments:
Post a Comment