Monday, December 31, 2007

lalalalala.

i can't really figure out what i'm suppose to feel now that the year's almost over. it's hard to say whether it's been a better year for me.

525,600 minutes. come to think of it, once more, i was able to come past those number of minutes. wow, that's quite a number.

well, i've been through a lot this year. "been through" doesn't necessarily have to mean the "senti moments/hard times/challenging moments", hm.. it's more of a general thing...

but on more specific terms~

biggest surprise? hrm, i'd be wearing a gi sponsored by the ateneo. i had my doubts. but things came through. very surprising, and fulfilling at the same time. =)

major blow this year? (good or bad): er, the debut i guess. on the up side, i turned 18! i've reached the legal age, there's freedom, boys (ehem ehem!), drinking (er, kahit naman hindi ako 18 eh! hehe.), R-rated films (ehem ehem!), i could go on and on. down side? somehow, it wasn't the debut i pictured it to be. lots of disappointments. but i won't dwell on that. but the more down side is... i'm getting older!! who wants that?!

major loss? my tita passed away just weeks (or a week) before my birthday. up until now still can't believe that i'll never see her again. oh i just remembered, i'll be going to a reunion on january first and i won't see her there. sigh.

major realization(s)? the only constant thing in this life is change... and there is that indescribable joy coming from that four-letter word that starts with an L. ~&heart 8)

i've had my ups and downs this 2007. so, was it a better year for me or not?

hm~

i suppose it's a matter of perspective, that is, depending on what "aspects" you look at.

expectations and new year's resolutions for 2008? hrm, none of those this year. i suppose it'd be better (and fun-ner) with the unexpected-ness of it all.


five hundred twenty-five thousand six hundred minutes! lalalalala....


HAPPY 2008 EVERYONE!!!

Monday, December 24, 2007

isang munting mensahe.

ilang oras na lamang magpapasko na, kung kaya naman, ilang mumunting mensahe sa mga PINAKA-IMPORTANTENG tao sa buhay ko ngayon.


sa pamilya ko:
mahal na mahal ko po kayo. masaya ako na kapiling ko na kayong muli matapos ang matagal na panahong pagkawalay. hindi ako nakakauwi dahil sa dami ng ginagawa at ngayon, kahit dalawang linggo lamang ang inilaan sa akin, susulitin ko ang bawat segundo na kasama ko kayo. =)

sa block m/m1:
masaya ako sa naging pagbabago ng relasyon ko sa bawat isa sa inyo. masasabi kong higit akong naging malapit sa mga tao. nagpapasalamat ako sa isang masayang unang bahagi ng ikalawang semestre. sana higit pa tayong magsama sama. nais ko pang makilala ang bawat isa sa inyo =)

sa AJA family ko:
una muna, nais kong humingi ng tawad sa aking madalang na pagpapakita sa inyo. nataon na ang lunes na araw ng pageensayo ay natapat sa "lab" kung kaya naman isa o dalawang araw lamang sa isang linggo ko kayo nakakapiling. at kung araw naman ng sabado, kadalasang may "immersion" para sa "thelogy". at noong "christmas party sa covered courts", hindi na ako nakadaan dahil sa hindi inaasahang "buhol-buhol na traffic at sa long exam sa theology". ang pagkakataon talaga. sadyang mapaglaro. kung kaya naman patawad. "MISS" ko na kayong lahat. sana sa pagdating ng "2008", makabawi ako sa pagkukulang kong oras sa inyo. salamat, dahil kahit hindi ako gaanong nakikita, hindi naman dumating sa puntong "nawala" ako. maraming maraming salamat para roon. mahal ko kayo. =)

sa mga highschool batchmates ko:
"MISS" ko na kayong lahat. maraming taon na ang lumipas, at ikinalulungkot ko na isiping nagkakalayo na tayo ng mundo. marahil ay may kanya kanya na tayong buhay. sadyang mahirap tanggapin ang mga pangyayari ngunit sana magkaroon tayo ng panahon upang muling magtipon-tipon at magsama-sama. sana hindi pa natin nakalilimutan ang mga dating kasiyahang dulot ng ating pagkakaibigan. mahal ko kayo, at sana hindi pa nawawala ang "tayo" sa buhay ng bawat isa sa atin. =)

sa pamilyang GABAY:
masaya ako dahil nabigyan ninyo ako ng pagkakataon na muli kayong makapiling bilang isang organisasyon, at higit pa, bilang isang pamilya. maraming salamat. dahil sa inyo, mas naintindihan ko ang tunay na kahulugan ng pagtataya. mahal ko ang bawat isa sa inyo, at sana'y magpatuloy pa ang magandang pagsasamahan natin bilang mga Gabayano. =)

sa pamilyang ACheS:
nakatutuwang isipin na nakita ko ang isa sa mga dahilan upang mahalin ko ang kursong tinatahak ko ngayon. Ang ACheS ang nagturo sa aking makita na "there's more to Chemistry that meets the eye". maraming salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na makilala ang bawat isa sa inyo. maraming taon pa ang pagsasamahan natin. mahal ko kayo at maraming maraming salamat. =)


MALIGAYANG PASKO INYONG LAHAT!

Sunday, December 23, 2007

iba iba na tayo.

mahirap tanggapin na may kanya kanya na tayong mundo.

Monday, December 10, 2007

---

tao lamang ako.

---

at manhid ka.

---

ganoon ba kahirap ang humingi ng tawad?

---

hai. pride.

---

Wednesday, December 05, 2007

tigang mula sa kasawaing palad.

nakaiinis ang araw na ito.

naguumapaw ang sama ng loob dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

hindi ko mahinuha kung ano ang mga naging pagkukulang ko.

wala naman akong iba pang maaaring sisihin sa mga nangyari ngayon.

ako lamang talaga.

ako.

hai.

ang hirap talagang tanggapin.

bawi.

babawi na lamang ako.

marami pang pagkakataon.

marami pang panahon.

...

sana.

Tuesday, December 04, 2007

random kung random.

hm, some "random" rants.

--
nagpapanggap ako.

nagpapakabulag kahit nakakakita.

nagpapakabingi kahit nakaririnig.

nagpapakasaya kahit malungkot.

nagpapakamanhid kahit nasasaktan.

--

malapit na ang pasko! well. sabik na sabik lang talaga ako. nagsimula na kasi ang caroling season, so puro practice na kami. eventhough it takes up a whole lot of my time, the stress and fatigue that may be felt every after practice night would always be overwhelmed by the personal joy of "service for and with others". wala lang. atenista by heart. (naks, pero proud to be talaga ako.) maybe i might consider a job as a social worker (ayan magsama tayo madam sa future occupation natin!). hehe.

mahilig lang din siguro akong umawit. masaya kasi ang feeling na nakukuha ang mga nota ng tama. masaya rin ang feeling na kasama ko ang mga kapwa gabayano (a.k.a. mga kaibigan ko). bonding moment din kasi iyon, at isang pagkakataon para makasama at makilala ang mga tao.

--

namiss ko ang judo at ang mga teammates and coaches ko. sobrang na"hook" kasi ako sa sport, at masaya ako sa piling ng aking mga teammates at coaches ko. makatotohanan (yes this is for you mich! hehe. i know you're laughing!)na marami talaga akong natutunan mula sa kanila (kahit hindi siguro obvious dahil tahimik "daw" ako. hehe. at hindi lang siguro ako ganon ka expressive sa ilang mga bagay), pero i owe a lot to these people. at marami pang panahon para matuto. wala lang. salamat.

--

nagsisimula na ang mga stressors sa buhay ko: well, may acads, maraming ginagawa sa extra-co, tapos mga problema sa social life at LOVE life, mga ilang problema sa pamilya, at siyempre ang personal na kabaliwan ko na rin. hai. ang hirap i handle. namiss ko na tuloy si bestfriend ko, yung transcendental holy mystery ng buhay ko (may hang-over pa ako sa theo. hehe. galing kasi ni jimenez eh.ang daming insights actually. pero na-feel ko na may grudge siya sa sciences at sa mga atheists. hehe.). naku, sana makapag usap na kami ulit ni Bestfriend. kahit na hindi ko Siya naririnig na sumasagot, mahalag na alam kong pinakikinggan Niya ako. sumasagot nga Siya pero hindi nga lang verbal ang kanyang medium. hai. miss ko na talaga Siya.

--

marami akong namimiss na tao. ewan ko ba. nadarama ko na ang layo na ng ilang taong pinahahalagahan ko. kala ko nandyan pa sila, kaso paglingon ko, wala na pala sila. hai. ang hirap din pala na naging mashadong attached noh? hindi naman sa nagreregret ako. nabigla lang ako. well, siguro nga meron kaunti, pero acceptance is the key.

--

mahirap pala magsakripisyo ng mga "bagay" na pinahahalagahan mo ng sobra-sobra. narealize ko siya ngayon.

--

inaantok na ako. kailangan kong matulog. ang aking eyebags! eye"MALETA" na! (hahaha, tawa ka naman sa joke ko! hehe.)

--

nagpapasalamat ako sa iyo. wala lang. natuwa ako. close na talaga tayo. :)

--

i feel that i've violated your trust. wala lng. ang sama ko. hai. sorry. pinilit kong itago. kaso, ang hirap pala. mashado siyang "a priori" (nyai, theo term na naman!!!).

--

hai. mahal ata kita. alam mo ba yun?

--

...