Saturday, November 13, 2010

Nakabibingi.

Nakabibingi.

Maraming nagsasalita, marami akong naririnig na tunog, ngunit wala akong maintindihan. Nakapanlulumong pilitin ang sariling maintindihan ang mga bagay na hindi (sa palagay ko) dapat pinag-uusapan. Masayang magkaroon nang paunti-unting kawalang-kahulugan sa mga pag-uusap. Pero kung parating kawalang-kuwentahan na lamang, nakakawalang gana makipag-usap at magsalita. So mabuti na lamang sigurong manahimik, at manood at bigyang kahulugan ang sarili na hindi kailanman maiintindihan ng iba.

Sa kasalukuyan, wala rin akong kamalayan sa kung ano nga ba ang dapat, kung ano rin ang hinahanap ko, o kung ano rin ang nais kong marinig. Puro kalabuan lamang ang laman ng katotohanan ko.


Kaya mainam marahil na manahimik at makinig at baka sakaling may marinig na rin ako.


----
Pagod na ako.

Kung alam niyo lang.

Mahirap pumasan ng mundo na hindi mo naman dapat pinapasan.

No comments: