Tuesday, April 10, 2007

kuwentuhan.

tuesday na pala. hindi ko man lang namalayan ang bilis ng oras. siguro dahil nagenjoy (?) rin ako sa bakasyong ito. halos dalawang linggo rin to. hindi na ako magrereklamo. ok na to, kaysa wala di ba?

ang bilis nga talaga ng panahon. dalawang araw na lang, release na ng grades. tatlong araw na lang, registration na for summer classes. anim na araw na lang, pasukan na naman,. hai. pagod at puyat na naman. at siyempre ilang linggo na naman akong mawawalay sa pamilya ko.

pero hindi naman sa panay malulungkot at negatibong bagay na lang ang kasabay ng pagdating ng summer classes ko. sa totoo lang, excited akong makita ang mga blockmates at dormmates ko. na-miss ko rin sila. at tsaka, looking at the bright side, mas magiging productive ang summer ko, kaysa naman nakakulong lang ako sa bahay at walang ginagawa di ba?

pero yun lang, medyo naparami ata ako ng gagawin. well tatlong subjects sa summer, 8 units overall. plus may judo training ng mwf at weight training ng tth. tapos plano ko pang kumuha ng summer job to help my family a bit. plano pa lang naman yun. ewan ko kung matutuloy. its not that im complaining. kasi hindi. masaya naman ako na maraming gagawin. i just hope kayanin ng katawan at utak ko. hehe.

so ayun. sinabi ko sa sarili ko na bibigyan ko ng closure lahat ng unfinished business ko with other people, beginning with those whom i turned my back on. so wish me luck. hehe. update ko kung anong mangyayari. so for now, eto muna. hehe. XD

No comments: