Wednesday, December 31, 2008

here I end my year-ender posts

It's just a few hours before 2009.

Just a few moments left before i say goodbye to this one heck of a year. I don't want to reminisce. Whatever happened this year put me to where I am right now, whether it be downright tragic or exaggeratingly happy.

I've learned a lot, and I'm hoping to learn more.

I'm just thankful to have had experienced ALL OF IT.

As for new year's resolutions? I guess I'd be lying if I say I don't have any. I have a LOT. But I'd rather keep that to myself, for now.


Although there is one thing I would really want to happen this 2009,

and that is,


to live like I have never lived before.



Too much?

Nah, I don't think so...


That's what were struggling to do every day...



A happy and prosperous 2009 to everyone!

Cheers!

Tuesday, December 30, 2008

here i begin my year end posts.

Because I got a lot of things to do, and I got bored doing them. haha.


Got this from Troy and Meryl.

Where did you begin 2008?
Bel-air drive, outside our house in Laguna.

What was your status by Valentine's day of 2008?
Single and very very happy.

Did you have to go to the hospital?
i was sent to the hospital for asthma attacks, a tension strain on my neck, and a biopsy surgery.
SO YES. I had to go to the hospital.

Did you have any encounters with the police?
none.


What did you purchase over $500?
i don't have that much money.

Did you know anybody who got married?
other than celebrities, no one close to me or my family.

Did you know anybody who passed away?
no relatives, but a lot of close family friends. especially during the months of October and November.

What sporting events did you attend?
UAAP. the best was the championship game of Ateneo - La Salle.

What concerts/shows did you go to?
gigs here and there, but no major concert

Where do you live now?
New house in Laguna. Still in Laguna Bel-air, but in a different Phase.

Describe your birthday.
Spent the whole day at our house. It was surprising that classes were suspended. Just with family, my tita and her children from the states.

What's the one thing you thought you would never do but did?
quit the ateneo judo team. :(

Any new additions to your family?
hm, none that I know of. haha.

What was your best month?
December! :)

Who was your best drinking buddy?
buddies in my case: Lean Mari M. Cauilan, ACheS EB (lahat sila! i won't name names. hahaha! mga laklakero!), Maria Sophia de la Paz, Kristine Haizell S. Anore (although not much itong si Haiz this year.)

Made new friends?
Yes yes yes! maraming maraming marami!

Any regrets?
A lot of regrets this year. Don't know where to start. (or where to end.)

What do you want to change in 2009?
My attitude and views toward life. I was very stubborn this year. I was highly pessimistic. I always felt that life was unfair towards me. Especially with all the misfortunes that I had this year. It was hard to have a positive view point about life. Maybe by changing this, things wouldn't seem so bad after all. According to my friend (who got it from some other person) "you carry your own weather".

Overall, how would you rate this year?
6. It's pretty obvious why.

Have any life changes in 2008?
too many to mention. the only constant thing in life is change.

Get a new job?
For 2009? am still thinking about it.

How old did you turn this year?
pretty old.

Did anything embarrassing?
nothing major. although i have a lot of embarrasing moments with my friends and family.

Get married or divorced?
I wish.

Be honest - did you watch American Idol?
via you tube. no television in our dormitory.

Start a new hobby?
nope. But I lost a lot of hobbies. unless you consider Orgs and School as hobbies, then yes!

Are you happy to see 2008 go?
YES! bye.

Drank Starbucks in 2008?
yes! and the most memorable was when I drank with a. soph, we chatted for hours! (dahil hindi kami natuloy sa drews sa dami ng tao! hahaha.)

Been naughty or nice?
I choose or. haha.

What are you wishing for in 2009?
inner peace. (since world peace doesn't seem possible at the moment. haha)

Monday, December 29, 2008

to my horror.

I thought vampire stories were scary. This was even scarier.

I remembered when me and my roommate were laughing about making a tagalog version of Twilight. The ideas were just waltzing in our heads. We were trying to figure out who the perfect Edward Cullen and Bella Swan would be. The names Richard Gutierrez, Angel Locsin, Denise Trillo, Katrina Halili, Piolo Pascual popped out of our conversation every once in a while. We were hysterical. We thought it was funny. But when I saw this, nope, not funny at all:




what the hell is wrong with you people!?!? How can you even think about...arrrgh!?!? (sorry, speechless due to utter disbelief!) The whole world is going to react to this. Although ABS-CBN was licensed and has legally bought the production of this film, I still can't believe they pushed through with this idea. Why do Filipinos love to have their own version of something. Can't we just be original every once in a while?

So much for me and my roommates laughing fantasies. It suddenly became frightening.

Monday, November 10, 2008

vague.

first time kong mangatog dahil sa sobrang takot.

nanginginig ang aking buong katawan...

seryoso.

narealize ko...

ang hina ko na.

kasisimula pa lang ng sem, may doubts na ako sa sarili ko. kinakain ako ng mga negative thoughts ngayon.

kailangan kong maging matapang.

kailangan ko ng tulong.

kailangan.

Tuesday, October 21, 2008

no regrets.

lumabas na ang mga grades.

and I'm satisfied. :)

i couldv'e done better pero no room for regrets.

marami akong natutunan sa nakaraang sem,

at marami akong ipinagpapasalamat.

bawi.

may 5 sem at dalawang summer pa ako para makabawi. (ang konti nalang pala...)

yun lang. hehe.

Tuesday, September 30, 2008

nang chumismis ako.

nandito ako sa ateneo, nag-aaral, o akala ko lang na nag-aaral ako.

chumismis ako kanina (yes, nahawa na ako sa chismis powers ni hannah. hehe.) sa isang grupo ng mga tao sa may sec benches malapit sa ctc (sa mga hindi nakaka-alam, ang ctc at sec ay building sa ateneo)

lalaki: bakit naman ako mag-aaral?

babae: kasi nasa school ka. ano pa bang gagawin mo dito?...

napaisip ako. natawa at naiyak sa loob-loob ko.

oo nga naman. pero, yun lang ba talaga yun?...

ang tanong, ano ba dapat talaga ang pinag-aaralan mo sa ateneo? ano ba talaga ang dapat matutunan? or.. ano ba yung mahalagang matutunan?...

ano ba ang magiging mahalaga sa hinaharap?...

Monday, September 29, 2008

Saturday, September 27, 2008

tawa ka muna! para maiba naman.

sa nakaraang dalawang linggo (o halos malaking parte siguro ng sem na ito), wala akong mashadong ginawa kundi sumimangot. (actually, marami akong ginawa, dami ng requirements, pero sa bawat pagkakataong gagawin ko ang mga bagay-bagay, parating may halong simangot...). hai. sino ba naman ang hindi sisimangot, sa dami ng mga nangyari sa akin nung nakaraang mga linggong iyon, sino ba naman ang hindi mapapasimangot:

-nasunog yung cafeteria sa veterans, at nandun ang aming goldilocks stall. lunes na lunes ng umaga noong nakaraang dalawang linggo, iyon ang bumulagta sa akin.

-nagpacheck-up ako sa isang physician/surgeon sa veterans. at dinaignose na may cancer daw ako sa breast. kinakailangan ko raw maoperahan (biopsy) at isesedate daw ako para malaman kung benign or malignant, kung benign tuberculosis of the breast daw ang abnormality, kapag malignant, patay na. tuesday last last week ko nalaman. at ang operation ko, saturday that week din. tapos, within the whole week nagkaroon ako ng mga lab tests para malaman kung pupuwede raw akong masedate. kumusta naman ang shock ko nung nalaman ko iyon. sabi nga nung isa kong nakausap ---- "ok ka lang? hindi ba dapat hindi, malaman mo ba namang may tumor ka eh.". ok, that was a very blunt way to put it. pero yun naman talaga eh. sabi ko na nga lang sa sarili ko nung mga panahong iyon-- "asus, cancer lang yan!". at nakikipaglokohan lang ako sa sarili ko nung mga panahong iyon.

-tuloy pa rin ang santambak na requirements. magfifinals week na kasi. may sakit ka na nga, depressed ka na nga, malay mo bang mamamatay ka na, siyempre kailangan mo pa ring isipin yung pag-aaral mo. hindi naman titigil ang mundo, hindi titigil ang mga teacher ko sa pagbibigay ng mga homeworks, seatworks at tests dahil lang malas ako at nagkakaganon ang buhay ko. naisip ko nga, ganito ka-sama ang mundo. sa katotohanan naman, wala namang time-out, kahit gusto mo. walang awa-awa. iikot lamang ng iikot ang mundo.

-inoperahan ako noong sabado. at inoperahan ako ng gising. pakiramdam ko noon, para akong hayop. kumbaga sa philo, "objectified" ako. trauma.iyon na lamang siguro ang masasabi ko.

-isang buong linggo akong wala sa dorm namin. ang ibig sabihin nito, isang linggo akong nag-uwian sa laguna. nakakapagod. araw-araw kang gabi umuuwi, galing sa biyahe. taposa pagdating mo sa bahay, hindi ka naman pupuwedeng matulog agad, dahil may requirements ka sa susunod na araw. at sa susunod na araw, gigising ka nang sobrang aga dahil kailangan mong makarating sa school para sa 7:30 am class mo. ang dahilan kung bakit ako nag-uuwian ay dahil sa medication ko. after-operation recovering kumbaga. at bukod pa riyan, namiss ko ang mga dormmates. mashado kasi na akong na-attach sa mga taong ito. sobrang unfamiliar nung feeling ko na hindi ko sila kasama pag-uwi, at ang masasabi ko lang, ang laki ng nagagawa ng isang linggo. pakiramdam ko, ang layo ko.

-hindi ko makain ang mga gusto kong makain. maraming bawal. puro gulay. gulay. gulay. gulay...

-sa pangakabuuan, hindi ko mapigilang maawa sa sarili ko. sobrang na-overwhelm ako sa mga nangyari sa akin. biglang nagbago ang lifestyle ko. pakiramdam ko noon, nag-iisa akong hinaharap ang mga nangyayari sa akin. ang nasa isip ko noon, sa katotohanan naman, ako lang naman talaga ang talagang nakakaintindi at nakakaalam kung gaano kasakit at kahirap ang sitwasyon ko. pakiramdam ko tuloy, wala akong makausap noon. pakiramdam ko noon, nag-iisa ako.

....

pero ngayong napag-isip-isip ko, sinayang ko ang dalawang linggo ng buhay ko. pinagod ko lang ang sarili ko. oo, totoo ang lahat ng mga nabanggit ko, pero kung tutuusin, nasasaakin naman talaga kung magpapaapekto ako. once in a while, mapapaiyak ka nalang talaga kasi mahirap nga naman ang sitwasyon mo. pero, puwede ka namang umahon mula dun sa pinagswiswimmingan mong kalungkutan bago ka pa malunod. puwede ko namang tingnan ang mga nangyayari sa akin sa ibang perspective. mashado kong iniisip na hiwalay ako sa tao dahil hindi nga naman nila ako naiintindihan, well in fact, may mga tao naman talagang umiintindi. sabi nga ng kaibigan ko, 'parating may makakausap', sabi ko sa kanya, 'pero hindi parating may makikinig', isang palatandaan kung gaano ako ka-malungkutin at negatibong tao. ang mali ko siguro, hindi ako kumausap para malaman kung may makikinig...

napag-isip-isip ko lang, ang dami-dami-dami-dami kong dapat ipagpasalamat. at ang sama-sama-sama-sama kong tao para hindi mabigyang halaga ang mga bagay at mga taong iyon. dapat nagpapasalamat ako dahil benign ang cancer na nakita sa akin. dapat nagpapasalamat ako dahil nanalo ang ateneo sa uaap basketball. dapat magpasalamat ako dahil may pamilya akong nariyan na sumusuporta at nagaalaga sa akin. dapat magpasalamat ako dahil nariyan ang mga kaibigan kong walang sawang nagpapatawa sa akin at nagpapakita ng mga kababawan at kasiyahan ng buhay. dapat magpasalamat ako sa mga dorm mates ko at ang "the gang" na nariyan lang para yakapin ako kahit na wala naman akong sinasabing dahilan kung bakit ako nagpapayakap. dapat magpasalamat ako sa mga orgmates ko (sa gabay, sa aches, at sa yfc) na walang sawang bumabati sa akin kapag nagkikita kami sa mga hallways kahit na nakasimangot ako at hindi ako kasing masiyahin di tulad ng mga bati nila sa akin. dapat akong magpasalamat sa mga judo teammates ko dati na nagmamalasakit na kumustahin ako at yayain ako sa kanilang send-off dinner na hindi ko man lang napuntahan dahil sa operasyon ko. dapat akong magpasalamat sa mga teacher ko, dahil binibigyan nila akong ng pagkakataong matututo at naglalaaan sila ng oras para ibahagi ang mga kaalaman nila, at nagtiyatiyaga sila sa aking mga kalokohan at kapasawayan bilang isang etudyante. dapat akong magpasalamat sa Kanya dahil kung hindi dahil sa Kanya, wala ako sa mundong ito at hindi ko mapapasalamatan at mararanasan ang mga bagay na dapat kong ipagpasalamat.

SALAMAT PO.

ngayon ko nararamdaman na sobrang blessed akong tao.

kapag binabalikan ko at binasabasa kong muli ang mga blogposts ko, puro nalang lungkot, puro nalang sama ng loob. hindi masamang ipahayag ang sama ng loob, ang sakit na nararanasan mo sa buhay. sabi nga nila, iyong mga panahong iyon, higit na marami kang nasasabi at naisusulat sa blog mo. pero ang blog kasi, parang isang paraan para makita mo ang buhay mo. eh, hindi lang naman lungkot ang laman ng buhay ko. siguro, dapat simulan ko namang makita ang mga masasayang bagay na ito, at hayaan rin makita ng ibang tao.

Wednesday, September 17, 2008

malas.

sobrang malas talaga.

mamamatay ka nalang ng 'di mo namamalayan.

.....

:(

Monday, September 08, 2008

butas.

i feel empty.

i'm committed, but empty.

i serve, i work my butt off 24/7 but the outcomes made me realize how hollow i am from the inside.

i'm busy, but is my time well-spent in the things that are TRULY IMPORTANT?

i'm losing grip in the things that matter. maybe its time to re-evaluate (AGAIN).

---

Wednesday, August 13, 2008

nang magsawa ako.

cafeteria. maingay. sobrang ingay. kahit na hindi kami mag-usap, naririnig ko pa rin ang ingay. hindi man ako kumibo, maingay pa rin. kahit na wala nang iba pang tao sa loob ng cafeteriang ito ang magsasalita, maingay pa rin talaga. hindi maipagkakaila ang ingay ng kalooban ko tungo sa kanya. pero di bale, dahil maingay naman talaga sa caf, isigaw ko man sa kanya, ilabas ko man ang ingay na nandito lamang, hindi naman niya maririnig. o marahil dahil bingi siya. bingi talaga. o mistulang tengang kawaling ayaw makinig. ewan ko. marahil pareho. grabe, sukdulan naman. pero ganon eh. hindi na lamang ako magsasalita at patuloy akong mag-iingay.

--------------

wow, nagpost akong muli. nagbalik ako. matapos ang mahaba-habang pagkawala sa kaalaman ng mga tao, naririto akong muli. bakit ako nawala? siguro dahil nagsawa ako. nagsawa akong magsulat dahil wala namang bumabasa. nagsawa akong magsalita dahil wala namang nakikinig. nagsawa akong magparamdam dahil wala namang nakakaramdam. nagsawa akong mangatwiran dahil wala namang may pakialam. nagsawa ako. sawang-sawa na.

pero magtataka ka, narito pa rin ako? bumalik nga ako, hindi ba? siguro dahil kahit sawa ka na, kapag napag-isip-isipan mo, kapag matagal nang nawala sa iyo, babalikan mo rin 'di ba? kaya nga tayo mayroong sinasabing 'namimiss' mo. oo aaminin ko, namiss ko. namiss ko ito. namiss ko sila. namiss ko siya. marami akong namiss. siguro nagkaroon lamang ako ng dahilan para magsulat ulit. tanggap ko na ulit ang mga dahilang ikinasawa ko. magsasawa rin ako ulit. siguro. most likely talaga. pero ang mahalaga marahil ay ang ngayon. gusto kong magsulat eh, bakit ba? tsaka na ulit ako magsasawa.

o baka dahil umaasa ako. marahil baka naiisip ko na may pag-asa pang may magbabasa nito, may makaririnig, may makararamdam.

parang buhay lang yan eh, nakakasawa, oo.. pero buhay ka pa rin, narito ka pa rin. umaasa ka pa rin. kaya sige lang. go ka lang ng go. tuloy lang. laban ka lng ng laban.

minsan dumating ako sa point na nagsawa akong mabuhay. pero ngayon, tinatanong ko ang sarili ko, nabuhay nga ba ako? buhay nga ba ang kinasawaan ko? napakasaklap kasi ng mundo. mashadong maraming sama ng loob, mashadong maraming disappointments, mashadong maraming kalabuan. mashado ring maraming tanong. minsan tatanungin mo ang sarili mo kung bakit ka nabubuhay sa isang mundong kagaya nito. tatanungin mo kung bakit may mga taong malabo, may mga taong masama, may mga taong insensitive, may mga taong walang kuwenta, may mga taong mashadong mabait. pero kung iisipin kong talaga, ayon sa paningin ko, ganoon sila, ganito sila. pero sa katotohanan ba, sino nga ba talaga ang nagsasabi kung sino ang mabait, kung sino ang masama, kung sino ang ganito.. kung sino ang ganyan.

---------

bakit ba naman kasi kinakailangang mabuhay ka sa isang mundong binibigyang kahulugan ang lahat? hindi ba puwedeng gawin mo nalang ng gawin ang mga bagay bagay nang hindi iniisip kung bakit mo iyon ginagawa? hindi ba puwedeng wala nalang pagsisisi? sige, sabi nila, nasasayo lang naman kung bibigyan mo ng kahulugan o hindi, nasasayo lang rin daw kung magsisisi ka o hindi.. pero, sa palagay ko kasi, hindi lang siya ganon. hindi siya nasasayo lang. hindi siya choice. likas siya sa tao. o baka mali ako?.

---------

napakakomplikado ng mundong ito. ang hirap makipagsapalaran sa buhay lalo pa't alam mong wala talagang kahit anong sigurado. lahat nagbabago, lahat mapanlinlang, lahat mapanloko. sabi nila, maniwala lang daw ako, ok na, mabubuhay ako. pero mahirap maniwala. mahirap paniwalaan ang mga bagay na hindi naman talaga kapanipaniwala.

----------

so ano namang katapusan nitong sinusulat kong ito? sa palagay ko, hindi pa siya matatapos. magsusulat lang muna ako ng magsusulat. hanggang sa hindi natatapos ang mga katanungan ko, magsusulat lang ako. hanggang sa hindi ko matanggap ang katotohan ng mundo, magsusulat lang ako. magsusulat ako, hanggang sa magsawa na ulit ako.

Thursday, June 19, 2008

sana.

akalain mong iiyak ako dahil dun. hindi ko naman naisip na ganoon pala yun kasakit. akala mo, kapag umalis ka na, ganon nalang kadali yun, na parang makakalimutan mo nalang. pero hindi pala.

hai.

nakakamiss.

nakalulungkot.

kung puwede lang bumalik. kung puwede lang.

Saturday, May 24, 2008

nang bumalik ang nakaraan ko.

naaalala ko pa noon, nung mapanood ko ang lion king, naaalala ko yung sinabi ni timon at pumba kay simba nung naisipan niyang takbuhan ang katotohanan,- "you gotta put your past behind you."..naisip ko, tama lang siguro yun, pero paano kapag binabalik balikan ka ng nakaraan mo, yun bang "history repeats itself..."

napag-isip-isip lamang ako kagabi,sa aking pagiisa sa dorm, sa gitna ng kinasanayan kong katahimikan sa mga nakaraang araw kahit na hindi ako nag-iisa dun. matapos ang pagkain ng sandamakmak na fries at coke float mula sa mcdo na kinahiligan naming kainin ng mga dormmates ko noon, napagtanto ko na marahil ginugulo ako ng nakaraan ko dahil sa simula't simula pa lamang, hindi naman nawala ito.

paano mawawala ang nakaraan kung sa katotohanan, ikaw naman ang nakaraan at kasalukuyan? uuyy dumugo ilong mo noh? haha. hindi mo ba nagets? haha. wala, kinailangan lang siguro na ipamukha sa akin ng ibang tao, ng katahimikan, ng coke float, ng fries, ng pag-iisa, at ng isang txt message para marealize ko na ganon nga talaga yun.

siguro hindi mo maintindihan noh? kasi hindi mo naman alam kung ano ang tinutukoy kong nakaraan at kasalukuyan. ok lang yun. napagisip isip ko rin na walang sense magpaliwanag, lalo na kung ang nakakaintindi lamang sayo eh ang sarili mo. and besides, ako nga ang nakaraan at kasalukuyan, so paano mo maiintindihan, eh AKO nga yun. mahirap din kasi ipaliwanag nalang nang ipaliwanag ang sarili ko. nakakaubos laway din yun noh.

marami akong naisip kagabi, habang nanonood ng "boy-girl thing". ang storya nung palabas, dalawang tao ang parating away nang away. minuminuto, oras-oras, parati nalang silang magkaaway. yung isa sobrang walang pakialam sa sinasabi ng ibang tao sa kanya dahil ang mahalaga sa kanya ay ang sarili niyang mga prinsipyo at ang kanyang kaalaman, yung isa naman, stubborn at alaskador na lalakeng walang ginawa kundi inisin yung babaeng kaaway niya. nakakatawa yung palabas. nagkapalit ng katawan at siyempre buhay ang dalawang magkaaway na ito. kumbaga, nagkaroon sila ng perspective sa buhay ng bawat isa, na nagdulot ng pagkakaintindihan sa kahulihulihan. in fairness, nakatulong din yun noh, isang panandaliang ingay sa gitna ng katahimikan sa apat na sulok ng malaking kuwarto sa dorm namin.

at ang nakuha ko mula sa pelikulang ito: mahalaga ang perspective.

naisip ko,na sa maraming bagay sa buhay natin, kung bakit nagkakaroon ng katahimikan at kaayusan, kinakailangan bukas ang isip mo sa perspective ng bawat isa. kasi akala mo nauunawaan mo na pala ang mga bagay-bagay dahil sa perspective na nakikita mo, tapos gugulatin ka nalang ng katotohanan na mali pala ang pagkakaintindi mo. halimbawa sa pagtanggap, nakikita lamang siya depende kung ano yung perspective mo sa mga bagay-bagay. minsan, akala mo tinatanggap mo ang isang tao o bagay sa buhay mo, tapos magugulat ka nalang, hindi pala yun ang kaso sa paningin ng ibang tao. kala mo tinatanggap mo ang ibang tao ng buong buo, tapos hindi pala iyon ang iniisip ng tinatanggap mo. o isa pang halimbawa, sa pagkakaibigan, akala mo binigay mo na ang lahat, ang sarili mo nang buong buo, tapos magugulat ka nalang, kulang pa pala ang binibigay mo, dahil sa paningin ng ibang tao kulang pa pala. o sa pagintindi, akala mo naiintindihan mo, pero magugulat ka nalang din, hindi rin pala, iba rin ang pagkakaintindi ng iba.

buti nalang napanood ko yung pelikulang yun, kasi kung hindi, hindi ko siguro maiintindihan ang ibig sabihin nito.

naisip ko, hindi sapat na tignan ko ang sarili ko o tignan ko lamang ang ibang tao. kailangan, pareho ko silang tignan. kundi parati nalang magulo. akala ko dati, open minded ako, ngayon narealize ko, na sa tinagal tagal ng panahon, naging close minded din ako.

ngayon din, naisip ko, na kailangan ng konting dagok sa ulo, kahit masakit, para matanggap mo ang mali mo. mahirap humingi ng tawad, pero kung nararapat lamang, PATAWAD.

sa ngayon, gusto kong iwan ang nakaraan ko, at BAGUHIN ANG KASALUKUYAN.

---

sa iyo, sana alam mong hindi ako bumitaw. hindi ko kaya.

Wednesday, May 14, 2008

good thing?...

still cant think of a decent blogpost.. argghh...

anyway.. some good things about my week.. well, i've fallen in love with my students... (NO NO, not in the perverted sense!!).. they always make the day right.... i didn't imagine my ANI experience to be this fulfilling. well i expected it to be fun, but not this much..whodve thought teaching CHEMISTRY to a bunch of third years would be this perfect(for the lack of a better term..)... thank you 3B for making my summer worthwhile.... (hindi niyo lamang alam kung gaano niyo ako napasasaya sa simpleng paggaya niyo sa CHE! ko... haha... seriously, salamat...)...CHE! ang dramah! :P

well.. can't think of anything else.. i guess the word "some" becomes "the only"... (realization: i'm such a pessimist.... tsk.......)...

hmm...

oh.. i almost forgot, i guess i'm thankful that i'm still alive.....

er... that's a good thing right?....

Thursday, May 01, 2008

of vague statements and of whatevers.

life certainly is unfair when it comes to certain things. when you thought you got all things figured out, life just strikes you by surprise. accidents happen, but some people just don't get that. well i don't.

---

i'm surely going to miss some people. thanks for the everything. and sorry. i really am. i guess it wasn't meant to be. it took me (or it took them) a year to figure that out. all that's left to do is to say something...... and stop myself from crying.

---

i remember the song cat and mouse by the red jumpsuit apparatus, hm, if i remember it correctly, some lines go like this:

'Am I supposed to be happy?
With all I ever wanted, it comes with a price.'

well, if i were to look at the whole context of the song, it would be more inclined with love.. but then, with these two lines, it touched a very sensitive aspect of my life... ~ sacrifice... it's sad really. and.. unfair..

---

here i go again with all the vague statements.. it's been hard for me to right a decent blogpost for months now.. everything's been incoherent.maybe there's just too much on my mind. i'll get past this.. that's my goal before this summer ends. to make sense out of my life.(according to our EB meeting yesterday, we have to have a goal and a specific way for us to quantify whether we achieved this goal.) so for quantifying, i guess before this summer ends i need to have at least one coherent and decent enough post. hm maybe i need to focus. or maybe i need to let go of some things, or some poeple. maybe i need to re-evaluate myself.

....

bla bla bla bla bla...

---

i still think life's unfair.. really.

Wednesday, April 16, 2008

Wednesday, April 02, 2008

dahil proud akong maging XIENTIAN!

For Scientians lang siya.

Part I. Formal.

1. Batch?

> 06

2. Ilan ang sections sa batch mo?

> pito

3. Anung curriculum sinusunod niyo?

> hm.. basta yung pinakamahirap. hehehe. :P

Part II. Personal.

1. Sino favorite principal mo? Explain.

> wala!!

2. Eh, subject & teacher? favorite.

> chem with ma'am osorio... i think i'm the only one... hm.. AP with ma'm capinpin, i never thought i could memorize the whole of asia in less than 30 minutes!

3. Alam mo ba lahat ng facilities sa Quesci? Ano pinakagusto mo?

> when you say facilities does that mean yung mga techy stuff?.. well i suppose non-existent sa school yun? but then, kung may bestfriend man akong facility sa school, yun ang photocopier..kung place naman ang pinag-uusapan, canteen! haha. :P

4. Madalas ka ba sa Soccerfield? Ano ginagawa mo dun?

>madalas akong naglalakad sa soccer field at naninipa ng bato..... nagstargazing na rin kami ng bball team dun, at nagbatuhan ng cellphone! haha. naglalaro ng touchball, nagpipicnic... nagdidive sa field at kung ano-ano pa...

5. Ano ang tawag mo sa mga benches malapit sa mathay ii building? para san yun?

>hindi ko alam!!! (grabe ako...)

6. Favorite food sa canteen?

>yung lumpiang togue na sobrang mura at puwede nang ulam!!!! saraaap! :P

7. Ano ang tamang spelling? Cheats? Chits? Cheets? Chitz?

> Chits?!

8. Sinusunod mo ba yung Biodegradable/Non Biodegradable trash bins?

> oo naman!! i love the environment! :P

9. Bumoboto ka ba sa SCB/SSG elections? Sino favorite President mo?

>oo.. si ate nicole.. nung freshie pa kami!

10. Tumatambay ka sa fire exit? Sino madalas kasama mo dun?

>hm.. fourth year ako madalas napatambay dun.. at madalas ko kasama ang tinuturing kong barkada nun --> mga mcdo at videoke buddies...

11. Ano ang mga Lab sa school? Nagamit mo ba lahat?

>Nat Sci (first year ko nagamit), Envi SCi (first year), Research (lab ba yun? third year, fourth year), Speech (fourth year english), Math (mathhhhh forever!), Bio (second year), Chem (third and fourth year), Physics (third and fourth year)

12. Scientian.Com! familiar? ano username mo?

>familiar, pero hindi ako nagsign in.. hindi ako mahilig sa forums eh...

13. eh #quesci? pumupunta ka ba dito?

>yess...!! super adik ako nito... _istar_ ang aking user! ahahah..

14. Friendly ka ba sa ibang batch?

>oo naman ata... hahah :P

15. Anung batch paborito mo? bawal batch mo!

> 03 at 04 !

16. Umaattend ka ba sa night events ng school? anu ano mga na-attenan mo?

>hrmm.. ang tanong, ano ang hindi ko naatendan? yooown!!.

17. Ilang beses ka nagstargazing? Ok ba?

>twice ata.. ok siya, although hindi ako pumupunta para matuto, its more of bonding kasi.

18. May mga club ka ba? Active member?

>MYM, AP club,english club, filipino club,lscience club, lady paladins basketball varsity.

19. Umattend ka ba ng fieldtrip? San kayo nagpunta?

>hm.. basta umatend ako sa lahat ng fieldtrip..

20. Dala mo ba family mo every Family Day?

>oo..

21. GC?

>hindi! ahahah.. (sinungaling ako!!!)

22. Crammer?

> OO!

23. Nagccut ka ba ng class??

>oo.. pero research lang talaga ang nakayanan ng sikmura kong i cut!

24. Alam mo ba ang ibig sbhn ng Model Boy/Girl at A1 Boy/Girl?

>oo.. ang natatandaan ko si kevin cena lng ata ang nabalitaan kong naawardan ng ganun...?!

25. Nagprom ka n.a ba? San kayo nagprom?

>gazebo royale and celebrity.. hindi naman makakalimutan yun!

26. Eh gradball?

>rembrandt.

27. Nakatulog ka na ba sa class?

>maraming beses na!

28. Eating in class?

>haha.. masarap kumain eh!

29. Nagttext habang nagddiscuss yung teacher?

>oo.. kitikitext ako nun.

30. Memorize mo ang school hymn?

>of course!

31. Ano yung tawag sa lower part ng flag pole?

> atomium?

32. Sino ang favorite cook mo?

>si kuyang matangkad!

33. Favorite guard?

> erk..
34. Favorite janitor/janitress?

>hmm...

35. Ok ba sayo na scientists pangalan ng sections?

>ok lang...

36. Ano masasabi mo sa school fair?

>haha.. food trip siya.

37. Favorite event/booth sa school fair?

>cheerdance!

38. Full support ka ba sa school plays? ano favorite mo?

>hmm.. hindi pa ako nahilig sa plays until nag college ako eh.

39. Sino crush mo sa school?

>wala... (asa!)

40. May friends ka ba sa alumni?

>yessss..

41. Nakapaglead ka na ba sa flagcem? Anong pinagawa sayo?

>oo... lahat ata nagawa ko na.

LAST:

Pagaaralin mo ba anak mo sa Quesci?

>oo.. wala na si CAVS eh! hahaha.. :P

stuck.

have you ever been stuck in a certain point in your life where you can't seem to move on and you just linger on the "what if's" and "could've's"?...

i'm stuck in this pool of regrets where i just can't pull myself together and swim myself out of it.

i'm drowning.

this might just kill me.

-

too many chances missed, too many opportunities taken for granted.

i should've not gave in to fear.

look where it got me?

i'm in the wrong place.

Saturday, March 29, 2008

NAIINIS TALAGA AKO. GRABE. (tamaan ka sana.)

grabe ka. grabe ka talaga. nagbago ka na. hai. grabe.........................

nakakainis. naiinis talaga ako. hindi na talaga kita kilala.

realization: i don't want to get involved with someone like you.

salamat, lumabas din ang tunay na kulay mo.

you're insensitive, pretentious, vain (in the selfish sense), and absurdly immature.

good thing pinaglalayo na tayo ng panahon.

dahil vain ka naman, sana tignan mong mabuti ang sarili mo sa salamin.

damn how you've changed. but sadly, for the worse.

para kang possessed. hindi kita maintindihan. hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sayo.

sana wala nalang akong pakialam. dahil wala naman akong magagawa.

sana matauhan ka.

pagdadasal nalang kita.

grabe talaga.

GRABE!

Monday, March 24, 2008

basura lang pala eh.

i think i just lost two friends...

ay mali..

hindi ko pala sila naging friend...

akala ko lang pala...

hm, baka wala talagang nawala...

pero hindi eh, hindi yun totoo sa kaso ko...

may nawala. may kulang na.

pero bakit ganon? kapag tintignan ko sila mula sa malayo, ang nakikita ko, wala namang nawala sa kanila.

ah baka sa kanila nag-aapply yung hindi friend part...

oh well, ganon naman ata talaga eh, parang basura.

salamat ha.

'di bale, may pupulut din sa akin.

Sunday, March 23, 2008

i'm still here.

to those who've been wondering if i'm still alive, well the most obvious answer would be this blog post.

too much has been happening, and I AM JUST TOO DAMN TIRED to share it.

*AAAAAAARRRRRRRRRRRRRGGGGHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

can't wait for this sem to end.

just four more days.

Tuesday, March 18, 2008

BAGO!!!

guys, sa mga hindi pa nakakaalam...

nagpalit na ako ng cel no., email add, at ym id..

cel.no: 09273454031 (siyempre ang pangit dahil inaannounce ko.. haha.. pero paki delete na ang lumang 09062693017)

email add: cha_623@yahoo.com (dahil nahiya na ako sa kontrobersyal email add ko na madalas namamali ng spelling!)

ym id: cha_623 (pa-add!!! :))

ayan.. salamat! :)

Sunday, February 24, 2008

i can't think of a title for this one.

just got a lot of things in my head right now.

---

yey! history play is final done! wooohooo! sir gave his warm applause and approval which hopefully meant an A for our class. congratulations girls, those practices finally paid off! we deserve it! :P

and the end of the history play means i can train again!! wooohhooo!! i really missed judo and my teammates. can't wait to slam those mats and throw people around!

---

said sorry to a friend this morning, but i guess he doesnt care. i don't understand how someone could be so impartial and cold.

said i cared for a friend last night, but i guess it wasn't enough. i'm sorry, i guess i'm not worth your thoughts.

---

just recovered from a highly contagious flu and i've been absent for three days. i missed two long tests and wasn't able to pass two laboratory reports. and to make matters worse,i lost my wallet yesterday. tsk. talk about an unlucky week.

---

mayroon ding umaalis, mayroong naiiwan...
pagtataya... how do you keep the fire burning?

---

just realized that i've been far away from God. felt like we've drifted apart. sad.

---

how random.

Saturday, February 09, 2008

no direction.

i've made a lot of choices, and a lot of sacrifices because i want to put direction to my life, at least know what i want to do and what i want to become...


but sadly...



i don't know where i'm going...

Saturday, February 02, 2008

point sa buhay ko.

minsan talaga, mayroong point sa buhay mo na kinakailangan mong pumili at magdesisyon tungkol sa mga importanteng bagay.

sa akin siguro, maaari kong sabihing "crucial" ang mga pagkakataong ito sa buhay ko.

eto yung mga panahong inaasahan ko ang mga taong mahahalaga sa akin para tulungan akong makapagdesisyon. yun bang tipong makatutulong silang makapag-isip ako. pero siyempre hindi sila "biased" dun sa tingin nilang dapat kong gawin.

hai. eto siguro yung isa sa mga "point" na iyon sa buhay ko.

masaya ako, dahil nalaman kong may mga tao palang naniniwala sa mga kakayahan ko. pero nakalulungkot din namang isipin na mayroon rin palang hindi naniniwala. mayroon din palang "nagdodoubt".

alam ko, ako lamang ang nakakikilala ng lubos sa sarili ko, at alam ko na ako lamang ang tunay na makapagsasabing kaya ko. sa katotohanan, alam ko talaga. subalit, kapag nalaman mong may hindi naniniwala sa iyo, na may mapapabayaan ka kapag pinili mo ang isa sa isa, parang nakakapanghina ng loob.

nalaman ko rin pala sa "point" na ito sa buhay ko, na minsan kailangan mong pumili sa pagitan ng kung ano yung gusto mo, at kung ano yung tama at higit na nakabubuting gawin. kahit na alam mong gusto mo at mapaninindigan mo ang desisyon mo, kapag naisip mo na taliwas ito sa ikabubuti at walang kasiguraduhan sa hinaharap (riskful, kumbaga),kailangan mong isakiripisyo yung gusto mo. masakit. masakit sobra. masakit talaga (naramdaman mo bang masakit?..). kahit na ba ilang beses mo ng naririnig sa sarili mo na "kaya mo naman! kaya mo!", kapag dumating sa punto na walang kasiguraduhan ang lahat, hindi sapat ang sabihing "kaya mo".

at nalaman ko rin sa "point" na ito ng buhay ko, na kapag nakapagdesisyon ka na, hindi mo na maaari pang bawiin. lalo na kapag kailangan mong "ipasa" yung desisyon mo. lalo na kapag may deadline yung desisyon mo. hindi mo na maaaring bawiin. kung yun na, yun na talaga. hindi na maaaring magbago. sorry ka nalang kung bigla mong naisip na mali pala yung naging desisyon mo. sorry ka nalang kung may biglang magtetext sa iyo na "ah, shit. kaya mo eh.". sorry ka nalang kasi hindi mo na maaaring bawiin yung desisyon mo. hindi na maaari pang baguhin. iiyak ka na lang kasi "narealize" mo na mali pala yung pinili mo. iiyak ka nalang. sa kaso ko, iiyak ng lang ako ng matagal na matagal na panahon.

mali ang naging desisyon ko. sa palagay ko mali. mali talaga. nagpadala kasi ako eh. sana napanindigan ko. sana hindi ako napanghinaan ng loob. sana naniwala ako sa kaya kong gawin. sana naisip ko na baka makabubuti rin iyon kahit "riskful". sana naisip ko rin yung ibang taong naniniwala sa akin. sana naisip ko rin yung sarili ko kahit ngayon lang. sana pinili ko yung gusto ko.

hai. puro nalang naman "sana".

hanggang "sana" nalang.

di bale.

iiyak nalang ako.

Sunday, January 27, 2008

someone to listen.

i really need someone to talk to. someone who can help me choose between what i want to do, and what i need to do. to choose between who knows, and who can learn. hai. bakit kasi wala ka dito ngayon (actually nandyan ka naman eh, pero parang wala rin, kasi hindi mo ako marinig. bingi ka kasi! bingi!) . eh di sana things would be a lot easier. :(

ang hirap mamili.

:(

Wednesday, January 23, 2008

some shout outs.

mom, happy birthday! I love you!

congratulations to all those who got promoted! wear your belts with pride, you all deserve it!! :)

congratulations to the newly elected Gabay Executive Board SY 2008-2009! make us proud! :)

--

erm. i hate physics. curse you T-Maq. wala lang.